Isang Penomenolohikal na Pag-aaral sa Pagpapatayo ng Bahay ng mga Catandunganon
April Grace Lazado-Maca
Discipline: Sociology
Abstract:
Ang mga umiiral na kaugalian, paniniwala at danas sa pagpapatayo ng bahay
sa lalawigan ng Catanduanes ay mabusising inilarawan sa pamamagitan ng
penomenolohikal na pamamaraan. Ang proseso ng pagpapatayo ng bahay ay
hindi lamang teknikal na proyekto, kundi isang kolektibong pagsisikap na
nagbubuklod sa pamilya at pamayanan. Ang koordinasyon, pagtutulungan, at
maayos na pagpaplano ay susi sa tagumpay ng pagtatayo ng tahanan. Ang
mga Catandunganon ay may malalim na paniniwala sa kahalagahan ng mga
pamahiin sa pagpapatayo ng bahay sapagkat hindi lamang ito tungkol sa
praktikal na aspeto ng konstruksyon, kundi pati na rin sa pag-aalaga ng
positibong enerhiya sa loob ng tahanan. Ang mga simbolo ng kasaganaan,
yaman, at kaligtasan ay laging isinasaalang-alang upang matiyak ang
magaan at masaganang buhay para sa pamilya. Ang mga paniniwala ng mga
Catandunganon ay nagpapakita ng isang malalim na koneksyon sa kultura at
tradisyon. Ang mga ritwal at pamahiin na isinagawa ay nagbibigay ng
pakiramdam ng seguridad at proteksyon para sa bagong tahanan at sa
pamilya na naninirahan dito. Ang maayos na paghahanda at determinasyon
ay naging susi upang malampasan ang mga hamon at maipagpatuloy ang
pagtatayo ng bahay. Ang bawat pagsubok at tagumpay ay nagbibigay-daan
sa pagbuo ng masayang tahanan at nagiging repleksyon ng samahan at
pagbabayanihan.
References:
- Amante, J. T. (2021). Pagdalumat sa mga saliksik ng mga pampamahalaang unibersidad ng rehiyong Bikol: Batayan sa pagbuo ng adyenda ng pananaliksik sa Filipino. [Di Limbag na Tesis] Pampamahaaang Unibersidad ng Catanduanes, Kolehiyo ng Edukasyon.
- Amoncio, M.P., Francisco, C.G., Samulde, W.E., & Santos, M.S. (2019). Diskurso sa Filipino panimulang kurso sa Filipino sa kolehiyo. Mutya Publishing House Inc.
- Balunsay, J. R., Cantar, M. C. A., Tindugan, S. M., Sarmiento, R. F. A., & Abundo, R. S. (2018). Lingguwistikong etnograpiyang pag-aaral para sa wika at kulturang Bikol. [Di Limbag na Pananaliksik]. Catanduanes State University & Komisyon sa Wikang Filipino.
- Cantar, M. C. A., & Balunsay, J. R. (2023). Mga kaugalian at paniniwala sa mga kasalang-baranggay sa Catanduanes: Isang etnograpikong pagaaral. [Di Limbag na Pananaliksik]. Catanduanes State University.
- Creswell, J. W. (2013). Qualitative inquiry and research design: Choosing among five approaches (3rd ed.). Sage Publications.
- Hufana, N. L., Banawa, M. J. D., Gervacio, G. V., Pantorilla, C. R., Mercado, E. V., Pimentel, G. S., Ocangas, R. Z., Cubillan, A. V., Raran, R. D., Salas, E. A., Meracdejas, C. A. O., Hilot, R. M. & Sual, N. T. (2018). Wika at kultura sa mapayapang lipunan. Mutya Publishing House Inc.
- Philippine Constitution. (1987). Education, Science and Technology, Arts, Culture, and Sports (Article XIV), Sections 14–17.
- Zafe, J. G., Cariaso, M. S., Teves, D. T., & Fuentebella, R. M. (2024). Courtship practices in Catanduanes, Philippines. Uswag: Philippine Journal of Multidisciplinary Research, 2(1), 46–57.
- Zaide, G. F. & Zaide, S. M. (2009). Kasaysayan at pamahalaan ng Pilipinas (Ikaanim na Edisyon). All-Nations Publishing Co., Inc.
ISSN 2984-8954 (Online)
ISSN 2984-8946 (Print)